Sa hindi malamang dahilan.. napadpad muli ako sa lumang blog na ito. Isang beses lang ata ako nagpost dito di ko matandaan.. bakit ba hindi ko nasundan?
NASUNDAN man o hindi, mahalaga pa ba yun?
OO, dahil para sakin, hindi naman ang destinasyon ang importante.. kundi ang byahe. Isipin mo, mamamatay naman tayong lahat.. lahat dun ang hantungan.. ang importante, ay kung paano ka nabuhay, hindi kung paano ka mamamatay.
MAMAMATAY lahat ng tao, yan lang ang nag-iisang katotohanan na matagal nang gustong takasan ng tao.. gaano katagal? Mula nung namatay si Abel, naisip ni Cain na namamatay pala ang tao.. ayoko mamatay ako.
AKO, oo ako.. "AKO" ang isa pang pinagkapareho ng lahat ng tao. Paanong pareho? Ito ang paboritong salita ng lahat ng tao, ako.. ako.. ako.. lahat puro ako.. lahat tungkol sa akin.. ang mundo.. sa akin umiinog. Kaya naimbento ang escalator, para di ako mahirapan umakyat. Lahat ng ito ay dahil sa akin.
AKIN, isa pa sa mga paboritong salita ng tao.. kasakiman.. akin ito.. akin iyan.. ito ay akin.. iyan ay akin.. IKAW ay akin. At ang blog na ito, hindi sa akin ito.. nakikisulat lang ako dito.
DITO, ito ang pangatlo yata sa mga paboritong salita ng lahat ng tao. Nasaan ka ba? Sige nga, sagutin mo ako.. nasaan ang lahat ng tao? Nasaan ka? Diba ang isasagot mo.. andito! Dito kung saan ako nakatayo.. nakaupo.. nakatuwad o kung ano mang posisyon ang nasaan ka.. alam ko kung saan ka nakatingin.. sa monitor at nagbabasa ka at ngayon nga ay mayroon ka nang isang matamis na ngiti at malapit ka nang tumawa.
TAWA ang nag-iisang bagay na nag-angat sa tao. Akala mo ba ano? Ano ba ang pinagkaiba natin sa ibang hayup? Marunong tayo magkutsara at tinidor? Marunong tayo maligo? HINDE!!! sa lahat ng hayup.. tao lang ang marunong tumawa.. at ayan.. nagiisip ka na.. may naiisip ka pang isa pa.. hindi lang tawa ang ang pinagkaiba ng tao, hindi ka papayag na ito lang.. mayabang ka eh.. tao ka kasi.. angat ka.. iba ka.. may utak ka.. may emosyon.. marunong tumawa.. ikaw ang pinaka sa lahat ng pinaka dahil sa iyo umiikot ang mundo.. tapos.
Marahil ay kilalang kilala na nating mga Pinoy ang mga inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center na sumikat noong 2007 nang gumawa sila ng napakalaking dance number para sa kantang "Thriller" ni Michael Jackson (sln...). Marami na rin silang nagawang dance numbers na mapapanood sa YouTube, ngunit ang latest nila ay walang iba kundi ang kantang nabigay sakin ng LSS ng isang buong linggo nung una ko itong marinig - ang "Nobody" ng Korean sensation na Wonder Girls!
Heto't panoorin natin muli ang ating mga talentadong kababayan mula sa Cebu sa kanilang natatanging pagsayaw ng "Nobody"!
muli, ito naman ay isang email na natanggap noong 2003! sabi-sabi, ito na napulot sa isang "bar" sa manila. yan na nga ba sinasabe ko, kelangan pang mag-ingles, di naman carry. :-P magsaya!
********************
October 1996
To Marjie,
I am not surprise or wander why Dennis leave you. Why? What reason you can think about but you're very fat body. I thought before that Dennis only use me to his toy but sooner and later I'm realize that he really can't not beared or stomached to be with you anymore because at first, Dennis say he could not stand you're habit of making pakialam all his walks [lakad] and always calling to their house what he go home or this or that.
And then he say he get ashame to met iether in school or in his family and then asking you to exercise you're very very, very fat body. But you hate it. Thoughth your the most preetiest girls he knows about. What do you think you are "Beautiful Girl" of Jose Marie Chan?
Even you are beautiful face (to your think) you do not have the right to called me whatsoever or else different name one time or the other for the real purposed to insults my personality because I'm never call you names iether in the front of Dennis or in the backs of Dennis, but if you start already to calling me different name, I don't have any other choice but to call you other different name to. Like you are a PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT, AND UGLY SHAPE girl. Shame to you're body
that is to a BUDING.
You can't not blame Dennis for exchanging you to me because I am the more sexier than you when you look to us in the mirror.
I'm repeat again that you are like Ike Lozada when she is a girl.
Love,
The Sexiest Girl of D.M.
P.S. You say that I'm the bad breathe but who is Dennis want to kissed. Me or you? You or me? And the final is me.