Sa hindi malamang dahilan.. napadpad muli ako sa lumang blog na ito. Isang beses lang ata ako nagpost dito di ko matandaan.. bakit ba hindi ko nasundan?
NASUNDAN man o hindi, mahalaga pa ba yun?
OO, dahil para sakin, hindi naman ang destinasyon ang importante.. kundi ang byahe. Isipin mo, mamamatay naman tayong lahat.. lahat dun ang hantungan.. ang importante, ay kung paano ka nabuhay, hindi kung paano ka mamamatay.
MAMAMATAY lahat ng tao, yan lang ang nag-iisang katotohanan na matagal nang gustong takasan ng tao.. gaano katagal? Mula nung namatay si Abel, naisip ni Cain na namamatay pala ang tao.. ayoko mamatay ako.
AKO, oo ako.. "AKO" ang isa pang pinagkapareho ng lahat ng tao. Paanong pareho? Ito ang paboritong salita ng lahat ng tao, ako.. ako.. ako.. lahat puro ako.. lahat tungkol sa akin.. ang mundo.. sa akin umiinog. Kaya naimbento ang escalator, para di ako mahirapan umakyat. Lahat ng ito ay dahil sa akin.
AKIN, isa pa sa mga paboritong salita ng tao.. kasakiman.. akin ito.. akin iyan.. ito ay akin.. iyan ay akin.. IKAW ay akin. At ang blog na ito, hindi sa akin ito.. nakikisulat lang ako dito.
DITO, ito ang pangatlo yata sa mga paboritong salita ng lahat ng tao. Nasaan ka ba? Sige nga, sagutin mo ako.. nasaan ang lahat ng tao? Nasaan ka? Diba ang isasagot mo.. andito! Dito kung saan ako nakatayo.. nakaupo.. nakatuwad o kung ano mang posisyon ang nasaan ka.. alam ko kung saan ka nakatingin.. sa monitor at nagbabasa ka at ngayon nga ay mayroon ka nang isang matamis na ngiti at malapit ka nang tumawa.
TAWA ang nag-iisang bagay na nag-angat sa tao. Akala mo ba ano? Ano ba ang pinagkaiba natin sa ibang hayup? Marunong tayo magkutsara at tinidor? Marunong tayo maligo? HINDE!!! sa lahat ng hayup.. tao lang ang marunong tumawa.. at ayan.. nagiisip ka na.. may naiisip ka pang isa pa.. hindi lang tawa ang ang pinagkaiba ng tao, hindi ka papayag na ito lang.. mayabang ka eh.. tao ka kasi.. angat ka.. iba ka.. may utak ka.. may emosyon.. marunong tumawa.. ikaw ang pinaka sa lahat ng pinaka dahil sa iyo umiikot ang mundo.. tapos.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tungkol Sa Pinoy T.O.
Ang talasaputang ito ay tungkol sa iba't ibang kakatuwang kwento at karanasan na ukol sa ating mga kapwa pinoy, mga magaganda at pangit, mga hindi malilimutan, at mga katangiang 100% pinoy talaga!
1 kakatuwang puna:
diba ang hyena tumatawa din? :P
Mag-post ng isang Komento