Up.. up.. down.. down.. left.. right.. left.. right.... sumusunod ka na ano! HAHAHAHAH!
Hindi ito tungkol dun sa laro sa Family Computer na Contra, kasi Contra yun eh.. Kontra naman ito.
Mayroon kasing mga tao na sa hindi ko alam na dahilan, eh ganun ang ugali. Ang hilig kumontra! (Wag ka kokontra!) Ako ay nasa mundo ng IT at isa sa mga pinanggagalingan ng aming mga kaalaman ay sa mga tinatawag na Online Forums. Dun ako nakakakita ng maraming tao, na magpopost lang para kumontra. Ewan ko ba.. parang ginawa siya ng Diyos para kumontra lang. Tuloy minsan hindi mo na alam kung may sarili siyang utak, este, isip, este.. ewan ko ba. Di mo makuha ang takbo ng utak nya dahil yun nga, kahit ano sabihin mo, kahit ano itanong mo, kokontra lang sya. Yun..
Pero nitong kelan lang.. ako ay naimbitahang magsalita sa harap ng maraming tao. At syempre maghahanda ako ng aking sasabihin. At syempre, sisimulan ko iyon ng "Magandang umaga po sa inyong lahat."
Ito ang kanyang kontra.. gawin kong script para maganda basahan ha..
Ako: "Magandang umaga po sa inyong lahat"
Kontra: "Pre mali! Understood naman na lahat sila binabati mo diba? Unless mayroon kang hindi binabati sa audience. Redundant yan pre."
Ako: "Alisin ko yung 'lahat'?"
Kontra: "Sige."
Ako: "Magandang umaga po sa inyo."
Kontra: "Pre mali pa rin. Di ko type. Nakaharap ka naman na sa audience mo nyan diba? Obvious naman na sila ang kausap mo. So bakit mo pa sasabihin na 'sa inyo' eh alam na nila yun. Mahilig kang magsabi ng obvious pre eh."
Ako: "eto na lang.. 'magandang umaga' na lang."
Kontra: "Teka teka pre.. anong oras ba yung talk mo?"
Ako: "10am daw."
Kontra: "Alam ng audience mo yun diba? Alam naman nila sigurong umaga yun, at pare-pareho kayong andun sa venue. Sa tingin mo kailangan mo pang sabihin na umaga nun? Obvious na naman pre eh."
Ako: "Eh ano na lang gagawin kong opening? 'Maganda'?"
Kontra: "Pre, pano yung mga pangit?"
Pakshet..
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tungkol Sa Pinoy T.O.
Ang talasaputang ito ay tungkol sa iba't ibang kakatuwang kwento at karanasan na ukol sa ating mga kapwa pinoy, mga magaganda at pangit, mga hindi malilimutan, at mga katangiang 100% pinoy talaga!
1 kakatuwang puna:
i like this! :D
Mag-post ng isang Komento