Naku nakaka-akit naman pakinggan. Kasi may nakalagay na "virgin". Kaya lang, hindi yun ang ibig ko sabihin. Alam ko naman na sa "unang pagbasa" (nyeta parang misa ng katoliko me unang pagbasa), ang iisipin mo ay ang Virgin na Utak ay yung Utak na walang laman o hindi pa nagagamit. Hmmm.. pwede rin! Tungkol naman ang bahaging ito sa utak na hindi ginagamit.
Pero sa "ikalawang pagbasa" (nyeta talaga..) eh maiisip mo na paghiwalayin ang dalawang salita.
"Virgin" ang tunay na kahulugan nito ay isang bagay o lugar na hindi pa nagagamit. Pero kung manyakis kang katulad ko, ang maiisip mo ay ang isang babae o lalake na wala pang karanasan sa pakikipagtalik. Partikular ang babae. Ang virgin na babae ay walang karanasan, makipot, masarap, at makitid.
"Utak" isang parte ng katawan ng tao na ginagamit.. minsan.
Para sa akin, ang Virgin na Utak ay ang makitid na utak. At dito ko nais magtuon ng pansin. Sabi kasi ng nag-imbita sakin nito eh mga tungkol daw sa Pinoy ang iblog ko. Kaya daw Pinoy TO. Hindi ko naman nilalahat ang mga Pinoy na makitid ang utak, yung mga taga-Maynila lang naman. HAH! Gulat ka ano! Pak! sapul! KUNG taga-Maynila ka.
Kainis kasi, ang mga taga-maynila, ang kiiiiiiitiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiid ng utak! Sa ibang mga bagay lang naman.. halos lahat pero hindi lahat.
Sa aking trabaho kasi ngayon, kasama ang paglalakbay sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Malimit sa Cebu (Visayas), minsan sa Mindanao. Last week nga nasa Butuan (Butuwan pala tamang bigkas nun, hindi Butu-an) eh.
Ang ikinaiinis ko at dahilan ng pagsabi kong makitid ang utak ng taga-Maynila ay.. dahil sa mga narinig ko.
"Pre pupunta ka ng Bisaya? baka pagbalik mo dito bisaya ka na din ha" anak ng pitumpu't pitong puting puting pating naman.. eh ano naman kung maging bisaya ako? Kapintasan ba yun? Kitid naman ng utak mo pre! Diba? Kakainis talaga ang ganun diba? Tapos maiisip ko pang "kaibigan" ko siya??? Pwes, hindi na ngayon! May kasabihang "birds of same feathers are the same birds" kasi. Eh baka sabihin ganun din kakitid ang utak ko. Syempre may kaunting lasa naman ng biro ang sinabi nya kaya't pinalagpas ko na lang. Pero yun talaga isinagot ko.. "eh ano naman?" Pareho lang nung isinagot ko nung tinanong ako "pre bakla ka ba?" sabi ko.. "eh ano naman?" HAHAHAHA!
Eto ang nagpatigas sa paniniwala kong makitid ang utak ng taga maynila lalo sa pagtrato at pagtingin sa mga kababyan natin sa Visayas..
"Uy! Pre! Nadinig ko papunta ka daw Cebu! Ihanap mo naman ako ng katulong" tang-inamo pre.. yan ang makitid talaga ang utak! Hindi lahat ng taga-Cebu eh magtatrabahong katulong sa isang tamad na katulad mo! tamad ka na makitid pa utak mo.
Nga pala, ang mga kinakausap ko sa Visayas at Mindanao.. mga IT Professionals, mga developers, Project managers, sikyo, janitor, drayber ng jeep, rider ng "habal-habal" (Pramis di na ako sasakay nun ulit EVER!) at sa aking pakikipagusap sa kanila.. mas malawak pa ang pagiisip nila ng di hamak kumpara sa isang Manilenyong makitid ang utak.
Siguro sa tingin mo ngayon, isa akong tagapagtanggol ng mga bisaya at taga-mindanao ano? Hindi ah! wala akong kinakampihan. Kapag may away, hindi ako kampi sa kakilala ko at di rin ako kampi sa kabilang panig. Sa kahit aling pagtatalo kasi, may tatlong (hindi dalawa) sides. Side ng isa, side ng kalaban, at yung side na tama. Dun ako kampi.. sa side na tama.
Ngayon, para patunayan na hindi ako isang OA na tagapagtanggol o ano-man ng mga Bisaya at Muslim..
Para sa lahat ng mga kaptid kong nasa Visayas at Mindanao.. ito lang ang masasabi ko.. Hindi na Virgin ang mga utak kyo! :D
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tungkol Sa Pinoy T.O.
Ang talasaputang ito ay tungkol sa iba't ibang kakatuwang kwento at karanasan na ukol sa ating mga kapwa pinoy, mga magaganda at pangit, mga hindi malilimutan, at mga katangiang 100% pinoy talaga!
0 kakatuwang puna:
Mag-post ng isang Komento